• HOME
    • Mission Vision/ Core Values
    • History
    • Contacts
  • OFFICERS
    • Board of Directors
    • Audit Committee
    • Election Committee
    • Top Management
  • PRODUCTS&SERVICES
    • Deposit Products
    • Loan Products
      • Character Loan
      • Secured Loan
    • Social Services
  • MEMBERSHIP
    • How to be a member
  • F & Q

1ST CENTRAL LUZON COOPERATIVE CONGRESS

Dinaluhan nina Chair Rustico U. Galang, Jr., Direktor Buenaventura J. Abulencia, GM Maria Cristina B. Naigan at MSMD Chief  Sheila Marie R. Pascual ang naturang Cooperative Congress.  Ginanap ito noong ika- 9-11ng Marso, 2009 sa Olongapo City Convention Center, Olongapo City, na may temang “Partnership for Globally Competitive Cooperatives”.

Nilalayon nitong mapalakas at mapaunlad ang kooperatiba sa pamamagitan ng Cooperative Development Councils (CDCs); kilalanin, buuin at palakasin ang CDC’s sa mga probinsya, lungsod at bayan; magkaroon ng isang konkretong plano, proyekto at gawain; maging epektibo sa pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan, pribadong grupo at civic society.

Ang Cooperative Congress ay joint sponsorship ng Central Luzon Cooperative Development Council (CLCDC) at Cooperative Development Authority – RIII (CDA – R-III), at pinangunahan ito ng Olongapo City Local Government at ng Olongapo City Cooperative Development Council.

Isinagawa ito bilang tugon sa kasalukuyang panahon ng pagkasadlak ng ating ekonomiya at sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansyal.  Bilang paghahanda, ninais ng sector na bumuo Congress na magtitipon sa mga kooperatiba ng bawat rehiyon upang magkaroon ng pagpapalitan ng magandang karanasan at mahusay na kasanayan.  Nais din nitong mas pagtibayin, gawing mataginting, maunlad at dynamic ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng CDC’s.
Back to news and events...