Noong ika-31 ng Hulyo 2009 ay naganap ang mini draw para sa Lupa Raffle 2 hatid ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative. Ginanap ang nasabing mini-draw sa SMTCDC Poblacion Branch, Bocaue Bulacan kung saan pinangunahan ni Ms. Evangelina Guevarra (Assistant General Manager) at ni Ms. Corazon Orito (Division Chief ng Credit and Collection Department) ang pagbunot sa mga mapalad na nanalo na sina:
Portable DVD:
Julius C. Sarmenta 910 Bantug Norte, Cabanatuan City 00814
Consolation Prize of P 1,000.00 each:
Perpetual T. Poson 057 La Trinidad Subdivision, Lolomboy, Bocaue, Bulacan 07049
Marissa M. Ronidel 175 Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan 02298
Ang Lupa Raffle ay inilunsad kasabay ng ating ika-40 Pangkalahatang Pagpupulong o General Assembly noong ika-4 ng Abril, 2009. Sa halagang isangdaang piso, ang katumbas ay lupa at ibat-ibang papremyo. Ang grand prize ay isang residential lot sa Igulot, Bocaue, Bulacan na may sukat na 200sq.m. with title no. na T-342978. Ang Grand Draw ay gaganapin sa ika-11 ng Nobyembre, 2009. Maliban sa grand prize ay meron ding mini prize na laptop at consolation prizes worth P1,000, P2,000 at P3,000. Kaya anu pa ang hinihintay ninyo? Tayo na at manalo at magkamit ng Lupa pinapangarap mo! Back to news and events...