MICROFINANCE MAY BAGONG PANGALAN NA!
Noong ika-7 na Abril 2009 nagkaroon ang St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative ng inter-branch contest na “Name the SMTCDC Microfinance Program” ito ay naglalayong bigyan ang ating Microfinance ng pagkakakilanlan tungo sa pagtulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng bawat mamamayan.
Sa dami na nagbigay ng kanilang mga winning entry ay napagdesisyunan ng mga hurado kabilang na ang ating General Manager Cristy B. Naigan, Chairman Rustico U. Galang, Jr. at iba pang matataas na opisyales ng SMTCDC noong ika-7 ng Hulyo na maging opisyal na pangalan ng ating Microfinance ang “KABALIKAT AT HAGDAN TUNGO SA PAG-UNLAD” bilang kaagapay ng SMTCDC na tumulong sa marami pang mamamayan. Back to news and events...