PINAINTIG NA COOP SUPPORT GROUP
Ni: Joy Toralba
Muling binigyang sigla ang samahang Coop Support Group(CSG), mga volunteers na katulong ng kooperatiba sa higit na pagpapayabong ng St. Martin. Higit na pina-intig ang CSG upang lubusan nilang mai-promote ang mga produkto at serbisyo ng kooperatiba. Noong nakaraang buwan ng Hulyo ang SMTCDC ay nagsagawa ng seminar para sa mga CSG. Ito ay tatlong sabadong dinadulan ng mga CSG, kasama sa tinalakay ay ang mga gampanin ng isang CSG, Basic Cooperative Orientation,Customer Service, dito binigyang pansin ang kahalagahan ng serbisyo na ibinibigay para sa mga miyembro at sa mga darating pa. Binigyang importansya dito ang pagbibigay pagbati, pagaalala, pagbibigay tulong at pakikinig sa bawat isa upang magkaroon ng magandang ugnayan na di lamang pansamantala kundi pangmatangalan at matatag na samahan. Sinundan naman ito ng pagtalakay sa social services o mga benepisyong makukuha bilang isang regular na miyembro ng SMTCDC na pinangunahan ni Mr. Ferdinand Tuazon. Tinalakay niya ang mga benepisyo tulad ng hospitalization benefits, mortuary protection fund plan, fire victim assistance, pension plan tangkilikin fund at fixed deposit plan. Matapos ipaliwanag ang mga benepisyo makukuha bilang miyembro sumunod niyang tinalakay kung papaano maging isang miyembro sa kooeperatiba, tulad ng paglalagak ng saping puhunan, pagde-deposito para sa regular savings at ibat-ibang uri ng loan products.
Noong ika-18 ng Hulyo naman ay tinalakay ni Mrs. Cora Orito ang loan availment process, ipinaliwanag dio ang mga types of loan, tulad ng character loan, secured loan at lines. Tinalakay din sa mga CSG members ang pagproseso ng loan application simula sa pagsagot ng loan application form, pagkuha ng Co-Maker o Kamay-Gawa , pagsusumite ng mga kinakailangan sa pag-utang at loan releases. Pinaliwanag din ang mga batayan sa pagpapautang ng kooperatiba tulad ng capacity (kakayahan), character (kaugalian), collateral (panagot), capital (kakayahang pinansyal) at condition (kalusugan).Ipinaliwanag rin sa mga CSG member ang kontrata sa pagutang o kasunduan sa pagitan ng kooperaiba at ng kasaping nangungutang. Kasama rin sa tinalakay ang katungkulan ng May-Gawa, ang magbayad ng utang ayon sa kaunduang pinirmahan, makipag-ugnayan sa panahong di makakabayad sa utang upang malaman ang kadahilanan ng di pagbabayad sa takdang panahon at managot sa anumang singilin o bayarin kaugnay ng di niya pagtugon sa kasunduan.
Ang tatlong araw na seminar ay hindi lamang natapus sa isang talakayan, pagkaraan ay isinagawa ang graduation ceremony o pagkilala sa mga Coop-Support Group Member na pinangunahan ng isang pambungad na salita ni Mrs. Zeny Andres at sinundan ni Mr. Jun-Jun Santos. Pagkaraan naman ang pagbibigay ng certificate sa mga miyembro ng CSG. Hindi lamang naging mabunga at puno ng kaalaman ang tatlong araw na training para sa mga CSG members at SMTCDC kundi isang matatag na samahan na pinagtitibay ng layunin na makapaglingkod at makatulong. Back to news and events...