Inilunsad ng St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative (SMTCDC) ang recruitment promo na “SAMA KA NA!” noong ika-1 ng Mayo 2009 hanggang ika-31 ng Oktubre 2009. Ang layunin ng programang ito ay patuloy na paunlarin ang samahan at patuloy na pagtibayin ang ating kooperatiba sa pamamagitan ng bawat kasapi na magsama ng mga maariing maging kaisa at kamay-ari. Bawat maisama ay may kapalit na puntos na maaaring ipunin at ipalit ng sari-saring papremyo.
Ang lahat ng regular na miyembro at empleyado ng St. Martin ay maaring sumali maliban lamang sa mga Managers at Division Head Officers. Simple lang ang paglahok, magsama lamang ng kaibigan o kakilala sa alinmang sangay ng kooperatiba. Upang maging valid at ma-irehistro sa pangalan ng nag-sama, ang membership application ay tatatakan ng ISINAMA AKO NI: _____________. Bawat isang naisama at maaprubahan na miyembro ay katumbas ng isang puntos. Kapag nakalikom na ng puntos maari na itong ipalit sa kooperatiba sa katumbas nitong papremyo. Magdala lamang ng valid identification card at kunin sa sangay na inyong kinasasapian. Kaya ano pa ang hinihintay nyo?
MAGSAMA, MAG-IPON at MANALO! No. of Approved Members Reward Items
3 SMTCDC - shirt
5 P200 worth of E-load
10 P500 Gift Certificate
15 MP3 Player
20 Nokia 1209 Back to news and events...