SMTCDC Scholars: Consistent Dean’s Lister
Ni: Joy Toralba
Tunay nga na ang EDUKASYON ay kayamanang di maangkin ng kahit sino man, kaya’t ang St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative ay saludo sa ating mga iskolar sa naipakitang galing at husay sa nakalipas na dalawang semestre taong 2008-2009. Isang pagbibigay-pugay at pagkilala kina Jean Eriz Lee, Robin Gumasing at Sherwin Celestino mga natatanging mag-aaral ng Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa ilalim na kurso ng Business Administration.
Ang mga nasabing mag-aaral ay ang mga mapalad na napasama sa ginawang serbisyo ng SMTCDC ang scholarship program. Layunin ng serbisyong ito na makatulong sa bawat mamayan at sa mga mag-aaral na gustong maipagpatuloy ang pag-aaral na walang hinihinging kapalit, kaya naman lubos na ikinagagalak ng SMTCDC ang pagbibigay pasasalamat ng mga iskolar sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang marka at napasama pa sa Dean’s Lister sa nagdaang dalawang semestre. Gusto din ipahatid ng SMTCDC ang pagkilala sa mga magulang ng mga natatanging mag-aaral sa kanilang walang-sawang suporta at pag-gabay sa ikagaganda at ikauunlad ng kanilang kinabukasan. SALUDO PO KAMI SA INYO! Back to news and events...