ANNOUNCEMENT: SMTCDC nakipag-partner sa CLIMBS..., SMTCDC annex for rent: 4,000 per month for first year with lot space of 20 S.Q.M.....URGENT: In need of Marketing Associate and Marketing Supervisor. Submit your resume at SMTCDC Bunlo Office.

Paanyaya sa mga nais maging Kandidato sa Eleksyon 2012

Ang lahat ng kasapi ng kooperatiba na may magandang katayuan ay maaaring maging isang kandidato sa darating na 2012 eleksyon. Ang mga sumusunod ay ang mga kwalipikasyon ng isang kandidato. (1) Kinakailangang mayroong P10,000.00 sa kanyang saping puhunan sa nakalipas na limang taon; (2) May edad na 25 hanggang 63 taong gulang; (3) Limang taong miyembro ng kooperatiba; (4) may magandang “credit standing” sa loob ng dalawang taon; (5) isang college graduate at (6) hindi kasalukuyang humahawak ng anumang posisyon sa pamahalaan o sa bayan (mula kagawad ng barangay pataas). Ito ay base sa kasalukuyang Election Code ng kooperatiba na nakatala sa “Article 2: Section 4.2 – Ang makapili ng mga kandidato mula sa talaan na ibinigay ng Subsearch Committee at sa pamamagitan ng direct nomination na maaaring iluhog ng sinumang lima (5) o higit pang kasapi na may mabuting katayuan, apat na buwan bago dumating ang halalan.”

Gayundin naman kinakailangang walang magkamag-anak na magkasabay na lalahok sa halalan at hindi kamag-anak ng sinumang kawani ng SMTCDC at kasalukuyang nanunungkulan sa kooperatiba hanggang second degree of affinity and consanguinity. Hindi humahawak ng supervisory o managerial position sa ibang bangko, kooperatiba, microfinance institution, bahay sanglaan at mga kahalintulad na institusyon.

Ang sinuman na nagnanais na kumandidato ay kinakailangang magsumite ng kanyang “application letter” at endorso mula sa limang (5) Good Payer members sa Lupon ng Halalan bago dumating ang ika – 20 ng Oktubre 2011.